Ang titi (Ingles: penis) ay isang biyolohikal na bahagi ng mga lalaking hayop kabilang ang parehong mga bertebrado at inbertebrado. Ito ay isang reproduktibo at intromitentong organo na karagdagang nagsisilbi bilang daluyan ng ihi (urinal duct) sa mga mamalyangplasental o may inunan. Ang pagkakaiba ng titi ng ibang mga mamalya na kinabibilangan ng mga primadong gaya ng gorilya at tsimpansi sa titi ng tao ang pag-iral ng baculum na buto ng titi sa mga mamalya na hindi makikita sa mga tao. Ang bahaging ito ay pinaniniwalaang nag-ebolb sa simula ng ebolusyon ng mga mamalya ngunit nawala sa ebolusyon ng tao.