Ang
vacuole ay isang tinatakdaan ng membranong
organelo na makikita sa mga selula ng lahat ng mga
halaman,
fungi, ilang mga
protista,
hayop at
bacteria. Ang mga vacuole ay napapalibutan ng mga kompartmento(paghahati) na napupuno ng
tubig na naglalaman ng mga
inorganiko at
organikong mga
molekula kabilang ang mga
ensaym sa solusyon, bagaman sa ilang mga kaso, ang mga ito ay naglalaman ng mga solido na nilamon. Ang mga vacuole ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasanib(fusion) ng maraming mga membranong besikulo at sa epekto ay mga malalaking anyo lamang ng mga ito. Ang organelong ito ay walang payak na hugis o sukat. Ang istraktura nito ay iba iba ayon sa pangangailangan ng selula.