Ang
vinta na kilala rin sa mga tawag na
lepa-lepa at
sakayan ay isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa pulo ng
Mindanao. Karaniwan itong ginagawa ng mga Bajau at ng mga
Moro tulad ng mga
Tausug. Makukulay ang mga banderitas nito na sumisimbolo sa makulay at mayamang kultura at kasaysayan ng mga naninirahan sa Kapuluan ng
Sulu. Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang mga
bangka para sa transportasyon ng mga tao at iba't ibang kagamitan. Kilala ang
Zamboanga dahil sa mga ito.