Ang
virus (mula sa
Latin na
virus, na nangangahulugang
lason) ay isang sub-mikroskopikong kagamitan na walang kakayahan mabuhay kung nasa labas ng isang selulang gumaganap na tagapagpasinaya o
host. Makakaapekto ang lahat ng birus sa lahat ng buhay na selular. Ang
birolohiya ang pag-aaral ng mga birus, na isang sangay ng
mikrobiyolohiya. Ilang panlaban sa mga birus ang mga
bakuna. Sa larangan ng panggagamot, isang
tipik o
molekula ang birus na na nasa pagitan o gitna ng isang organismong may buhay at isang sustansyang walang buhay. Nilulusob ng mga birus ang mga selula at nagsasanhi ng mga karamdaman. Karamihan sa mga birus ang napakaliliit para makita ng mga mata sa ilalim ng ordinaryong
mikroskopyo.