Ang
bolt (mula sa Ingles na
volt; sagisag:
V),
boltio,
boltiyo, o
bolteo (kapwa batay sa Kastilang
voltio) ay ang sukat ng puwersang elektromotibo (hinangong yunit ng
SI), na karaniwang tinatawag na "
boltahe". Katumbas ito ng kaibahan o dipirensiya ng elektrikong potensiyal ng 2 dalawang lugar o punto sa kawad na may taglay o daloy ng kuryenteng may isang ampero. Kasangkot dito ang lakas ng isang
watt.