Ang
apulid (
Ingles:
water caltrop o
water chestnut) ay anuman sa dalawang
uri ng
saring Trapa - ang
Trapa natans at
Trapa bicornis. Ang mga ito ay kapwa mga lumulutang na taunang halamang pantubig (akwatiko), na lumalaki sa mga tubigang may mabagal na daloy, umaabot sa 5 metro patungo sa ilalim ng tubig, at katutubo sa mga maligamgam na bahagi ng
Eurasya at
Aprika. Nagbubunga ang mga ito ng mga mapalamuting-hugis na prutas na kahawig ng ulo ng toro, na naglalaman ng isang lubhang malaking magawgaw na buto. Dahil sa mga butil nito, inalaagan na ito sa
Tsina noon pa mang may 3,000 taon na ang nakalilipas. Pinakukuluan ang mga buto para minsanang maipagbili bilang mga pagkaing panlansangan sa katimugan ng Tsina. Bagaman tinatawag na
water chestnut (
apulid) sa wikang Ingles, ang mga ito ay hindi maituturing na tunay na mga apulid (
chinese water chestnut), sapagkat hindi naman sila magkamag-anak.