Ang paggamit ng mga
pangulay na tinutubigan (Ingles:
watercolor [Estados Unidos] at
watercolour [Britaniko]; Pranses:
aquarelle) ay isang paraan ng
pagpipinta sa larangan ng sining. Ang mismong mga pangkulay ay mga midyum o sangkap na nilalagyan muna ng tubig para muling matunaw bago mailapat sa kalatagan ng papel na magagamit sa pagguhit o pagpipinta. Bagaman karaniwang gumagamit ng papel bilang latagan ng mga dibuhong ganito, ginagamit din ang mga papiro,
plastik,
vellum,
katad,
tela,
kahoy, at kanbas. Sa Silangang Asya, tinatawag ang paggamit ng ganitong tinta par sa masining na pamamaraan bilang
pagpipinta sa pamamagitan ng pinsel (
brush painting) o
pagpipinta sa [ibabaw]
ng balumbon (
scroll painting). Sa pagpipinta ng mga Intsik, Koreano, at Hapones, ito ang pinakanangingibabaw o pangunahing kagamitan at karaniwang may bahid ng itim at kayumangging kulay. Sa Indya, Etiyopiya, at iba pang mga bansa, nagkaroon din ng nakaugaliang pagpipinta sa pamamagitan ng mga daliri na ginagamitan ng mga
pinturang tinutubigan na nagbuhat sa Tsina.