weather


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Panahon (singaw ng himpapawid)
Para sa ibang gamit, tingnan ang panahon (paglilinaw).
Ang panahon o kalagayan ng panahon ay ang paglalarawan sa kalagayan at katangiang pangkalikasan sa labas ng tahanangusali o anumang tirahan ng taohayophalaman at iba pang mga nilalang, na ayon sa singaw ng kalawakan o ng atmospera ng daigdig. Tumutukoy ito sa kainitan, katuyuan, kalamigan, kabasaan, katahimikan, pagka-maaraw, pagkamahangin, o pagiging maulan sa isang pook, sa isang takdang oras, na maaaring magbago. Nararamdaman, naririnig, nakikita ng tao ang epekto ng panahon at maging ang pagbabago sa kalagayan nito. Nasusukat din ang panahon sa pamamagitan ng mga termometro, barometro, barograpo, sikrometro o higrometro, panukat ng hangin, anemometro, at mga panukat ng ulan. Depende rin ang taya ng panahon sa pagdating ng kapanahunan ng tag-inittaglamigtaglagastagsibol at tag-ulan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.