Ang
gulong ay isang mabilog na aparatong may kakayahang umikot o uminog sa kaniyang aksis (
painugan o
paikutan), na nakapagdurulot ng paggalaw na pag-ikot o paggulong. Nakatutulong ito sa pagdadala ng mga bagay na may bigat o lulang tao, at maging sa pagsasagawa ng mga gawaing pangmakina. Kasama ang isang ehe, naiiwasan ng gulong ang pagkakaroon ng pagkagasgas o
pamimingki (
priksyon) sa pamamagitan ng galaw o kilos na pagulong. Para umikot ang mga gulong, kailangang may
momentum o
buwelo sa kaniyang aksis na nagbubuhat sa gawi ng
dagsin o iba pang panlabas na lakas o kapangyarihan. Ginagamit ang gulong sa
transportasyon o paglalakbay. Nagagamit din ang gulong bilang pangmaneho ng mga sasakyang katulad ng manibela sa
kotse at sa
barko. Itinuturing na isang payak na makina ang gulong. Tinatawag din itong
ruweda.