Ang
wika ng katawan o
pananalita ng katawan (Ingles:
body language,
kinesic communication) ay isang uri ng
pagpapahayag o
komunikasyong hindi ginagamitan ng mga salitang sinasabi o isinusulat, ngunit binubuo ng mga manerismo o kilos ng katawan, mga tindig o tikas, at mga anyo o hitsura ng mukha na maaaring ipaliwanag bilang hindi namamalayang pakikipag-ugnayan, pakikipagtalastasan, o pagpapadama ng mga damdamin o kalagayang sikolohikal ng isang tao. Ito ang mga kilos o galaw ng mga bahagi ng katawan, katulad ng mga kamay, mga bahagi ng mukha, galaw o asal ng mata, tayo, asta o bikas ng buong katawan, o iba pang katulad ng mga ito, na nagpapakita o nagpapahiwatig ng ibig sabihin o nais gawin, na naglalantad o nagpapahalata sa pisikal, mental, at emosyonal na katayuan ng isang tao, at ipinaaalam o ipinababatid ng taong ito sa ibang mga tao habang hindi gumagamit ng nasasatitik at pasabi o pasalitang wika. Tinatawag din itong
komunikasyong kinesiko.