Ang
wikang Aleman ay kasapi ng sangay Hermaniko ng napakalawak na pamilya ng wikang tinatawag na
Indo-Europeo. Ang kalipunan ng mga wikang ito ay matatagpuang ginagamit sa
Europa at malaking bahagi ng
Asya. Kabilang dito ang mga salita sa
Indya,
Iran,
Tajikistan, at
Afghanistan at sa kanluran at hilagang Europa. Ang Aleman ay malapit na kamag-anak ng
Yiddish,
Ingles,
Olandes,
Suweko,
Noruwego, at
Danes. Ang Aleman ay ginagamit sa
Alemanya,
Austria, bahagi ng
Unggarya, bahagi ng
Republikang Tseko,
Liechtenstein at sa hilagang
Suwisa. Ito ay may mga diyalekto rin na kinabibilangan ng Hessisch, Schwäbisch, Thüringisch, atbp.