Ang
Ebreo (Ebreo: עברית,
’Ivrit;
Kastila:
hebreo [e'βɾeo];
Ingles:
Hebrew) ay isang wikang Semitiko ng sangay Apro-Asyatikong sinasalita ng anim na milyong katao karamihan sa
Israel, ilang bahagi ng
Palestina, ang
Mga Istadong Nagkakaisa, at ng mga pamayanang
Hudyo sa buong daigdig. Ang sentro ng
Tanakh, ang
Tora (na pinanghahawakan ng
Hudaismo at
Kristiyanismo sa tradisyon na unang itinala noong panahon ni
Moisés mga 3,300 taong nakaraan), ay sinulat sa Ebreo. Itinuturing ito ng mga Hudyo bilang
lashon hakodesh (Ebreo: לשון הקודש, “ang banal na wika”) dahil sinulat ang mga kasulatan sa wikang ito na itinuturing na banal. (Dahil dito, ang mga kasulatan lamang sa wikang ito ang isinasama sa Tanakh maliban sa
aklat ni Daniel na ang karamihang bahagi ay nakasulat sa
Arameo.)