wikang Italyano


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Wikang Italyano
Ang wikang Italyano (o Italyan) ay kabilang sa malaking pamilya ng mga wikang kilala sa tawag na Indo-Europeo. Ito ay nabibilang sa sangay ng mga wikang Romanse, na nagmula sa Latin, na kinabibilangan ng EspanyolPransesPortugesRomanian, Gallego at Katalan. Ginagamit ang wikang ito sa ItalyaSan Marino, ilang bahagi ng Swisa, at mga dating kolonya ng Italya sa Aprika. Ang Italiano ay may mga diyalektong tinatawag na Neo-Romanse, na matatagpuan sa ibat-ibang bahagi ng Italya. Ang modernong Italiano ang opisyal na wika, at base sa diyalektong Florentino o Toscano, mga wika na ginamit ng mga manunulat na sina Dante AlighieriFrancesco Petrarca, at Boccaccio, mga itinuturing na pambatong manunulat na Italiano. Noong Gitnang Panahon, ang Latin, ang wika ng mga Romano, ang malaganap na ginagamit sa Europa dahil sa sakop ng mga ito ang malaking bahagi ng Europa, kasama na ang ngayon ay EspanyaPransyaPortugalRomanyaEnglandAlemanya, at marami pang iba.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.