wikang Kastila


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Wikang Kastila
Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na nagbuhat sa Espanya at ngayon ay ang pangunahing wika ng Amerikang Latino. Sa Espanya at ilang bahagi ng Latinoamerika, ito ay kilala din sa tawag na “Castellano” na tumutukoy sa rehiyon (o lumang kaharian) ng Castilla (Kastilya) sa Espanya, kung saan ito nagmula upang linawin mula ibang mga wika ng Espanya (tulad ng Galisyano, Basco, at Katalan) at ng Latinoamerika (tulad ng Quechua at Guarani). Sa mga bansang gumagamit nito, español ang tawag ng ilang bansa ngunit sa iba naman mas madalas ang paggamit ng castellano. Castellano ang tawag rito sa Arhentina, Tsile, Peru at Urugway. Ilang pilologo ang tumatawag sa Kastilyano kapag bumabanggit sa wika sa Kastilya noong Gitnang Panahon at Kastila sa makabagong porma nito. Ang Kastelyano ay maari ring subdyalekto ng Kastila na sinasalita sa Kastilya sa panahong ito. Ito ay may serye ng pagkakaiba sa pagbigkas na naiibang Kastila halimbawa rito ang Andulusia o Aragon na kung saan sila'y nagsasalita ng ibang sub-diyalekto. Sa madaling salita, Castellano sa pambansang pananaw; Espanyol sa pandaigdigang pananaw.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.