Ang
wikang Malay (Malay:
bahasa Melayu) ay isang
wikang Awstronesyong sinasalita sa
Malaysia,
Brunei, timog
Thailand, timog
Pilipinas,
Singapore, at
Indonesia (sa gitnang-silangang
Sumatra,
Kapuluang Riau, at mga baybaying bahagi ng
Borneo). Opisyal itong wika sa Malaysia, Brunei, at Singapore. May dalawa itong opisyal na estandard: ang Malasyo at Indonesyo. Ang opisyal na pamantayan ng Malay, sang-ayon sa pinagkasunduan ng Indonesia, Malaysia, at Brunei, ay ang anyong sinasalita sa Kapuluang Riau ng Indonesia, sa may timog lamang ng Singapore. Mga Halimbawa:
Selamat pagi:
Magandang umaga