Ang
Wikang Tagalog, (
Baybayin:
ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔) na kilalala rin sa payak na pangalang
Tagalog, ay isa sa mga pangunahing
wika ng Republika ng
Pilipinas at sinasabing ito ang
de facto ("sa katunayan") ngunit hindi
de jure ("sa batas") na batayan na siyang pambansang
wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987:
Pilipino). Ito ang
katutubong wika ng mga lalawigan sa
Rehiyon IV (
CALABARZON at
MIMAROPA), ng
Bulakan, at ng
Kalakhang Maynila. Sinasalita rin ito sa
Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga
Pilipino ang pinakamalaking pangkat etnolingwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa
Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ng Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging
pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang
lingua franca o "tunay na wika" sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba't ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag na
mananagalog o
mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.