wikang pamprograma


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Wikang pamprograma
Ang wikang pamprograma (Ingles: programming language) o wikang pamprograma ay isang artipisyal na wika na ginagamit pagpoprograma ng kompyuter at upang kontrolin ang kaugalian ng isang makina, lalo na ang isang kompyuter. Ito ay maihahalintulad sa wika na ginagamit ng tao na ginagamit upang makipag-usap sa kanyang kapwa tao. Ang mga wikang kinompayl(compiled) ay isinasalin ng kompayler sa isang kodigo ng makina(machine code) at direktang isinasagawa ng CPU. Ito ay salungat sa mga pinapakahulugang mga wika(interpreted) na hindi direktang isinasagawa ng mga interpreter. Maraming mga wikang pamprogram ay inimplementa gamit ang parehong mga kompayler at interpreter kabilang ang BASIC, C, Lisp, Pascal, at Python. Bagaman ang Java ay isinasalin sa isang anyo na nilalayong mapakahulugan, ang kompilasyong just-in-time ay kadalasang ginagamit upang lumikha ng kodigo ng makina. Ang mga wika ng Microsoft .NET Framework languages ay palaging nagkokompayl sa isang Common Intermediate Language (CIL) na kinokompayl naman na just-in-time sa isang katutubong kodigo ng makina. Ang mga implementasyong ito ay gumagamit rin ng kompayler na arbitraryong makapagsasalin ng kodigong pinagmulan(source code) ng runtime sa kodigo ng makina. Gaya ng wika ng isang tao, ang wikang pamprograma ay gumagamit ng tuntuning semantika at sintaks upang matiyak ang istruktura at kahulugan nito.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.