Ang mga
instrumentong kahoy-hangin o
instrumentong hinihipan na yari sa kahoy (Ingles:
woodwind instrument) ay mga instrumentong pangtugtog na hinihipan. Nakalilikha ang mga ito ng tunog kapag hinipan ng tagatugtog ang isang matangos o matalim na nguso o sa pamamagitan ng isang tambo, bansi, o bangkuwang (tinatawag na
reed sa Ingles), na nagdurulot ng panginginig o pagkalog ng hangin na sa loob ng resonador (pang-alingawngaw,
pantaginting, panghaginghing, o pandagundong; karaniwang isang kolumna o pababang hanay ng hangin). Karamihan sa mga instrumentong ito ang gawa sa kahoy, subalit maaari ring yari sa iba pang mga materyal, katulad ng
metal o mga
plastik.