Ang
gawaing pangsanay ng katawan o
gawaing pampagsasanay na pangkatawan (Ingles:
workout) ay ang tawag para sa pagsasanay o pagpapraktis ng tao sa pamamagitan ng mga nakakapagod na mga
sesyon ng pagsasanay,
sesyong pang-ehersisyo,
sesyon ng pag-eehersisyo, o
nakalaang oras para sa pag-eehersisyo ng katawan. Isa itong paglalaan ng panahon upang magsagawa ng mga kakayanang pangkatawan o pisikal bilang paraan ng pagpapanatili ng
kaangkupan at
kalusugan ng katawan. Maaari rin itong isang pagsasanay, bilang trabaho ng mga atleta o mga manlalaro ng isports, para o bago sumapit ang isang laro o palaro at mga paligsahang atletiko. Sa madaling sabi, isa rin itong mahirap gawing praktikal na pagsusulit ng kakayahan at pagganap ng isang tao, maaari rin ng isang hayop at aparatong sinusubok.