Sa anatomiya ng tao, ang
galanggalangan o
punyos ay ang nahuhutok o nababaluktot ngunit hindi nababali at mas makitid na hugpungang nasa pagitan ng braso o bisig at ng palad. Ito ang sugpungan na nagdurugtong sa pang-ibabang baraso at sa
kamay. Sa kapayakan, isa itong pinagdalawang hanay ng maliliit at maiiksing mga butong tinatawag na mga karpal, na pinagkabitkabit upang makabuo ng isang nababagong bisagra. Binabaybay din itong
galang-galangan o
galang-galangin. Tinatawag din itong
pulso. Ito ang bahagi ng kamay na pinagpupulsuhan.