Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsusulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mga larawang-guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.