Ang
Ytterbium ay isang
elementong pangkimika. Mayroong itong sagisag na pangkimika na
Yb. Mayroon itong
atomikong bilang na 70. Kabahagi ito ng isang pangkat ng mga elementong pangkimika sa
talahanayang peryodiko na pinangalanan bilang mga Lanthanide. Ang Ytterbium ay isang bihirang elemento sa mundo. Ito ay malambot at may kulay na parang
pilak. Natatagpuan ang Ytterbium sa loob ng mga
mineral na nakikilala bilang gadolinite, monazite, at xenotime. Sa
kalikasan, natatagpuan ito sa isang kahaluan ng pitong matatag na mga
isotopo. Ginagamit ang Ytterbium sa ilang mga
asero, at ginagamit din sa paggawa ng mga
laser.